Friday, June 3, 2011

Ang Pananaw ni Bishop Bacani tungkol sa Condoms

Ang pananaw ni Bishop Bacani tungkol sa condoms


Naging top trending topic sa Internet kamakailan si Manila Auxiliary Bishop Teodoro Bacani dahil sa kanyang controbersyal na paglahok sa RH Grand Debate sa GMA NewsTV. Sa naging panayam ni Howie Severino sa News To Go, natuwa raw siya sa mga naging reaksyon, at inilahad ng Obispo ang mga “dapat at hindi dapat" pagdating sa pagpaplano ng pamilya at paggamit ng condom.

HOWIE SEVERINO: Sa mga debate tungkol sa RH bill, kahit ang mga paring kilala nating mahinahon ay tila nag-iinit at nagiging palaban. At isa na nga diyan ang panauhin natin ngayong umaga ang Obispong kilalang tutol sa RH bill, si Bishop Teodoro Bacani (Auxiliary Bishop of Manila). Magandang umaga Bishop Bacani, welcome to News to Go. 

BISHOP BACANI: Magandang umaga Howie, at sa mga tagapakinig natin, tagapanood, magandang umaga sa kanilang lahat. 

HOWIE: Bishop and daming nakapanood sa inyo sa RH bill the Grand Debate sa Channel 11 nuong isang linggo. Anong mga feedback ang mga narinig ninyo tungkol sa partisipasyon ninyo doon? 

BISHOP BACANI: Well, ‘yung mga nagpupunta sa akin talagang kino-congratulate ako at maganda raw ang pagkakapaliwanag, naliwanagan daw ang maraming tao. 

HOWIE: Kapansin-pansin na madalas kayong nakangiti doon sa debate at minsan ay napapatawa pa kayo, ano pa ho ang naglalaro sa isip n’yo habang nakikinig kayo sa kabila, habang iniisip n’yo kung anong sasabihin n’yo doon? 

BISHOP BACANI: Well, sa totoo lang palagay na palagay ang loob ko nung debate, sapagkat alam ko naman na talagang nasa panig namin ang katotohanan. Gusto ko lamang malaman ng mga tao ang totoo kaya ako ay nakikinig, relaxed lang ako at pagsagot ko naman eh, sabi ko hindi naman mahirap ito. Yung mga tao nga, sabi ang ganda ng paliwanag niyo Bishop, naliwanagan kami talaga. 

HOWIE: Marami ngang nasurpresa na sa Twitter na ginagamit ng maraming kabataan, trending topic ang Bishop Bacani. Nabalitaan niyo ba ‘yon? Yung naging trending topic kayo? 

BISHOP BACANI: Nabalitaan ko, kahapon ibinalita sa akin. Pero hindi ko maintindihan kung anong gustong sabihin nun. 

HOWIE: Sa tingin niyo ba na ang isang televise debate ay magandang paraan para makumbinse ang taong-bayan tungkol sa mga iba’t ibang punto ninyo? 

BISHOP BACANI: Oo. Ako’y talagang nagpapasalamat at talagang yung mga debate na ganyan nabibigyan kami ng pagkakataon na ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng bill, na kung minsan hindi maliwanag sa mga tao. Kaya halimbawa yung sinasabi na contraceptives lang ang mga ito… sa totoo lang babasa ka lang ng simpleng libro katulad yung handbook on contraceptives on the pill and other contraceptive devices by John Wills. Iyan nasa mga bookstore ‘yan ano, at talagang makikita mo yung mga pills, yung injectables, yung implants tsaka yung IUD. Ang mga iyan naglalaglag ‘yan ng nabuo nang buhay-tao sa sinapupunan ng ina, ‘yan hindi nalalaman ng mga tao ‘yan. Pagdating sa debate naipaliliwanag namin mabuti. Halimbawa si Congressman Golez sa Kongreso at ipinakita niya this so called contraceptive pills... they do not only prevent ovulation, hindi lang pinipigil magkaroon ng fertilization o pagtatagpo yung itlog ng babae at similya ng lalaki kundi kapag nabuo o maraming nabuo niyan eh nilalaglag ‘yan. Hindi pinapayagan na makakapit sa sinapupunan ng nanay. Yun eh abortion na ‘yon, kanya yung bill sinasabi walang abortion dito, pero nagtutulak ng mga pamamaraan na nakaka-abort talaga sa mga bata. 

HOWIE: Pero Bishop kung totoo ‘yan, bakit hindi po ‘yan tanggap ng buong scientific at saka ng medical community? 

BISHOP BACANI: Well, alam mo karamihan tumatanggap niyan. Maliwanag naman, yes, maliwanag na maliwanag kaya nagugulat ako si Congressman (Edcel) Lagman ipinaliwanag na iyan sa kanya. Ipinaliwanag ko na iyan sa kanya, narinig na niya ngayon ang paliwang ni Congressman (Roilo) Golez. Makikita naman talaga sa mga libro iyan…nasa literature din ng mga drugs ‘yan kung anong ginagawa nito. Ewan ko ba kung bakit hindi nila nababasa ‘yon, marunong naman silang bumasa. 

HOWIE: Hindi lang naman po legislators ang pumapabor dito, marami din pong duktor kasama nga po dun sa debate ‘yung ilan, hindi raw totoo na abortifacient o abortion, yung contraception. 

BISHOP BACANI: Well, ikaw nang humatol Howie. Tingnan mo, sabi sa ating Philippine Medical Association with seventy thousand members and Philippine Obstetrical and Gynecological Society, sabi nila new life begins at fertilization, very precise pa nga ang Philippine Obstetrical and Gynecology Society. Ang sabi, in this human life begins in fertilization. Kung totoo ‘yon, hinahayag na ng mga duktor natin, hindi naman basta-basta mga duktor ‘yan. Kung totoo yun e inamin din naman ni Bishop Tindero, to migrateserfice during the debate that life begins at fertilization. Kung makita mo ngayon pinipigilan nitong ang mga devices na ito, ang pagkapit ng bata doon sa sinapupunan ng ina, ano pang itatawag mo dun? Kundi abortion, pagpatay sa buhay-tao. 

HOWIE: Bishop pumunta naman tayo sa population, naniniwala ba kayo na may kaugnayan ang dami ng populasyon at kahirapan ng isang bayan? 

BISHOP BACANI: Okay, alam mo Howie ‘yun e variable ‘yan, walang definite correlation ‘yan. Kasi makikita mo naman mas maliit, mas siksik ang population ng Singapore, ng Hong Kong, ng Taiwan, ng Korea kaysa sa atin. Pero mas maunlad sila kaysa sa atin, kanya walang direct correlation. Pero lilinawin ko ito, ‘yang bagay na iyan sa aming mga taga-Simbahan wala naman kaming fixed na position diyan sapagkat ‘yan eh iiwan namin sa mga sociologist, sa mga politiko na nanaliksik. We can favor stabilization, yung pag-stable na lang ng population, puwede naming i-favor ang acceleration the growth of population or deceleration depending on the circumstances and of course the methods used should be masasabi naming moral. 

HOWIE: Paaano yung kaugnayan ng bilang ng anak sa isang pamilya, at yung kalagayan o kahirapan ng pamilya, may kaugnayan ba ‘yon? 

BISHOP BACANI: Depende, may mga pamilya halimbawa… may kakilala ako, milyonarya na siya ngayon, ang kanyang kapatid ay judge, mga kapatid ay professional, 15 sila. Kaya hindi mo sasabihin dahil lamang sa marami (sa pamilya) hihirap na ang pamilya, depende sa edukasyon. 

HOWIE: Pero extra-ordinaryo siguro ang pamilya na ‘yon, hindi iyan ang tipikal na maraming anak sa isang pamilya. 

BISHOP BACANI: Hindi naman lahat, hindi naman siguro tipikal pero hindi rin naman ‘di-pangkaraniwan. Yung nagtitinda po ng Mang Tomas lechon, alam niyo ang anak labing-dalawa. Binuhay niyang lahat sa pamamagitan lang ng pagtitinda ng lechon at maganda ang kabuhayan. Kaya iyan ay depende sa kung anong klaseng paghubog sa kanila. Kaya kami naman sa Catholic church, alam mo ang paninindigan ng Catholic church kami ay ayon sa responsible parenthood na nagsasabing…lilinawin ko ito kasi kung minsan sa argumento iyong mga napapasobra ng kaunti para bang sinasabi namin na anak lang kayo ng anak, hindi, ang sabi ng Simbahan ay maliwanag ang isang kahulugan ng responsible parenthood. Dapat na maging bukas-loob sa pagkakaroon ng bagong buhay, ngunit dapat na sikaping iluwal dito sa mundo ay iyon lamang buhay na kayang sustentuhan at palakihin bilang mabuting tao. Iyon ang paninindigan ng Simbahan. Kaya we’re not for runaway anak lang kayo ng anak, anak lang kayo ng anak, bahala na ang Diyos diyan, ‘di sabi ng Diyos… 

HOWIE: So sang-ayon din kayo sa pagpaplano? 

BISHOP BACANI: Of course… 

HOWIE: Ang dinedebate lang yung method… 

BISHOP BACANI: Yung method. 

HOWIE: So natural family planning yung sinusuportahan ninyong method, tama? Paano Bishop kung may lumapit sa inyo na isang naghihirap na mag-asawa at sinabi nilang sinubukan na nila ang natural family planning pero dumadami pa rin ang kanilang mga anak. Ano po ang maipapayo ninyo sa kanila? 

BISHOP BACANI: Una alam mo papayo ko sa kanila, titingnan naman natin kung paano nila ginagamit ang natural family planning. Ang bilin sa ovulation method, ang percentage na makukuha nila 98 to 99 percent... so sasabihin ko pag-aralan pa rin ninyo ‘yan. Sikapin ninyo at halimbawa palagay n’yo nag-failed sila. Okay we can say well that’s human weakness ganun naman. Yung si Pope John Paul II, Blessed Pope John Paul II, sabi niya there is… not the gradualness of the law... but the gradualness to observing the law. Kung minsan you aim for what is right, kung minsan, madalas tayo ay nagkakamali kahit na ang gusto natin ay mabuti. Well, makakakuha ang tao ng kapatawaran ng Panginoon sa mga bagay na ‘yon. 

HOWIE: Nabanggit niyo ‘yong isang Pope, kamakailan eh sinabi daw ni Pope Benedict na okay nang gamitin ang condom para maprotektahan ang sarili sa HIV/AIDS… At dito ba sa Pilipinas sumasang-ayon na ba ang mga Obispo na gumamit ang mga mamamayan ng condom. At least para sa proteksyon laban sa mga sakit. 

BISHOP BACANI: Liwanagin ko lang Howie kasi ito na naman nagkakaroon na naman ng hindi magandang transmission yung sinabi ni Pope Benedict XVI. Ang sinabi ni Pope Benedict XVI eh ganito, kapag ang isang tao ay dati ay walang patumangga, bira na lang ng bira iniisip lang ay ang sariling kapakanan. Kita niya marahil o sarap sa buhay eh nagkaisip na gumamit ng condom para hindi mahawaan ang sinuman ng sakit. Sabi niya is an initial step towards the moralization tungo sa pagiging moral ng buhay ng taong ito. Sabi niya yung condom hindi naman ‘yan mabisa talaga eh… hindi naman ‘yan ang sagot diyan eh sabi. Pero kapagka ang tao gumawa ng gano’n ang tawag dun principle of double effect. Okay, papayagan kang gumanyan o less immoral ‘yan, improvement mo na ‘yan pero pagsikapan mo pa rin na magpunta ka dun sa abstinence and faithfulness. Kung nagkamali ka na naman, okay stand up again kung nagkamali ka. Pero ang paggamit ng condom hindi to prevent conception but to prevent the transmission of sickness. Iyon ay para hindi mahawahan ang iba ng sakit, hindi ‘yong para hindi magkaanak. 

HOWIE: Kung sa ganun Bishop puwede nang magprovide ng condoms sa mga health centers natin kung gagamitin yung condom para maprotektahan yung mga individuals laban sa sakit para hindi sila makahawa ng sakit? So, sumasang-ayon kayo na magbigay ng supply ng condom sa health centers para sa public health? 

BISHOP BACANI: For public health, para sa mapigilan ‘yung pagkalat ng sakit. Pero ito ang sasabihin ko sa’yo, ang hirap lang kapag sinabi mo ‘yan akala ng mga tao tama, sabi ng Simbahan, puwede ka nang gumamit ng condom para sa birth control, puwede na para sa lahat at ang mangyayari. Ito pa ‘yung HIV virus alam mo ba? Is fifty times at least fifty times smaller than the natural hole, yung natural na butas ng bawat condom. Ang condom eh may natural hole na one point five micro…, sorry five micros, samantalang point one micro lang ‘yung HIV virus napakaliit. So fifty times bigger ‘yung… e ‘di kung kuwan eh magba-valley lang ‘yung HIV virus hindi makapipigil ‘yan, as evidence by Thailand. 

HOWIE: Oo, pero sinabi na rin ng World Health Organization, ‘yon pa rin ang pinakamabisa… maliban sa abstinence nga na sinabi ninyo. Yun pa rin ang pinakamabisang method para sa safe sex para hindi nga makahawa ng HIV. Sinabi rin po ‘yan ng sa mga international health authority. 

BISHOP BACANI: Ewan ko kung paano nila nasasabi ‘yon, because they cannot make any comparison between the use of the condom and abstinence and fidelity anu-ano pang ibang… eh in other words it is the best when it is the only one considered but when compared with the others makita mo it is the last. 

HOWIE: Bishop ‘yong kapwa ninyo pari si Fr. Joaquin Bernas, sinasabi niya irespeto na lang daw ng Simbahan ‘yong freedom of religion. Ipasa na lang daw ‘yung RH bill at pagsabihan na lang ng mga Obispo ‘yung kanilang quack na huwag gamitin, gumamit ng mga methods na labag sa batas o utos ng Simbahan. ‘Di kaya ‘yung oposisyon n’yo sa RH bill ay isang violation of freedom of religion? 

BISHOP BACANI: Ay hindi. Ganito ‘yon Howie, ito kahit itabi mo na nang kaunti ang religion dito papayag ka pa rin sa position namin. Tingnan mo kung halimbawa mayroong milk galing sa isang bansa at sinabi ng isang grupong duktor na iyan ay kontaminadong milk ‘yan, nakakamatay ‘yan… ngayon sabi naman ng isang grupo ng duktor minority pa, hindi naman nakakamatay ‘yan puwede ‘yan. Ngayon ang pamahalaan mauobliga na huwag pabayaan na ipalaganap yung milk na ‘yon kahit na dalawa ang opinyon. Ang desisyon ng gobyerno para sa safety ng buhay ng tao. Ganyan-ganyan ang RH bill, sabi sa RH bill mga abortifacient ‘tong pills, tapos ‘yung IUD certainly abortifacient, yung implants. Katulad ng norplant at saka depoprovera, yung injectables. Iyan mga ‘yan eh sinasabi ng mga duktor ‘yan, hindi naman mga katolikong duktor ‘yan. Minsan pabor pa sa abortion ang duktor, sinasabi nila nakakapagpalaglag ‘yan, prevent implantation. Kaya kung mayroon kang dalawang grupo na ganoon Howie, anong sasabihin ng gobyerno dapat? You act infavor of life at gano’n ang ating constitution. Alam mo sa constitution natin, sabi ba naman sa constitution natin, ‘the state inuutusan ang estado shall protect… shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception.’ 

HOWIE: So Bishop nabanggit ninyo ang pills, IUD, ‘yung condom puwede iyon dahil inendorse na ni Pope para sa public health para sa safe sex. 

BISHOP BACANI: Iyong condom to be used as contraceptive sabi namin, No, iba-iba ang kasamaan ng paggamit ng condom, sa paggamit ng mga abortifacient. Kaya dito ang paninidigan ng Simbahan mas matindi laban sa mga abortifacient, kaysa sa condom lang eh ako ay laban sa paggamit ng condom. Pero I can live without, pero ‘yung mga iba sasabihin laban sa turo ng simbahan ‘yan, eh kontrahin… ako sabi ko laban ako diyan, pero lalo akong laban sa mga abortifacient. 

HOWIE: Final question Bishop... nagiging usapin sa ibang bansa ang divorce… ang Pilipinas lang daw ang iisa o isa sa mga bansa na bawal pa rin ang divorce. Ano po ang pananaw ninyo sa divorce? Hindi kaya naiiwanan tayo ng panahon, hindi natin nile-legalize ito? 

BISHOP BACANI: Hindi naman. Alam mo ang una bago natin itanong sa ating sarili kung naiiwanan tayo ng panahon dahil ginagawa ito ng ibang bansa. Tingnan natin kung ano ba ang pananaw, pananaw at ano ba pati na ang sinasabi ng siyensiya ng sociologist, zero. Makita mo sa States dati-rati pinapayagan ang divorce only for very grave reasons, ngayon naghihilik lang ang ka-partner mo, hindi lang mapigilan sa paghihilik puwede na kayong mag-divorce talaga. Mayroon pang divorce na parang dadaan pa kayo sa mga McDonald o Jollibee na dadaan ka ng ganoon, pipirmahan mo tapos na ang divorce. You know ang law is educative mapapansin mo. Pagsinabi ng law puwede ‘yan, akala ng mga tao basta puwede na ‘yan. Natural yun sa ating pagkatao kaya ako sasabihin ko, tingnan muna natin kung ‘yan ay nakatutulong sa mga bansa na nagkaroon na ng divorce, certainly in the States. Wala naman sigurong papayag nang nangyari sa States ngayon, one out of every two marriages end up in divorce. I don’t think we are looking forward to that may mga ibang remedyo. 

HOWIE: Pero dito po maraming annulment ‘di ba? Na gina-grant ng… 

BISHOP BACANI: Gina-grant ‘yong annulment. Pero ‘yong annulment na ‘yan eh hindi kasingkahulugan niyan wala naman kasing nangyaring kasal noon eh, there was an appearance of marriage pero there was no real man. 

HOWIE: Moro lang ang kasal… 

BISHOP BACANI: Naging moro-moro, Oo. Dahil may defects from the time of the wedding itself or at the time of the wedding… 

HOWIE: Okay. Thank you for sharing, maraming maraming salamat Bishop Teodoro Bacani. 

BISHOP BACANI: Salamat din po at natutuwa ako na maliwanagan ang mga tao kung bakit kami ay tutol dito sa point of view of the Catholic church ang pinaka-objectionable part diyan eh ‘yong provisions of all kinds of family planning methods. Sapagkat ‘yong all kinds na ‘yon ay kasama na ‘yong pills, IUD, injectables and other devices. Lahat ‘yan ay talagang nagpapalaglag ng mga nabuo na at kapag nalaman ‘yan ng mga tao, napansin ko kapag nagpapaliwanag kami wala ng pumapayag na maipasa itong RH bill na ito. 

HOWIE: Okay maraming salamat po. 

– FJ, GMA News

No comments:

Post a Comment