Ticker

8/recent/ticker-posts

Silver Profession Anniversary of Rev. Fr. Roberto 'Boy' Luanzon, OP

Ang 2011 ay ang taon ng pagdiriwang ng Silver Jubilee of Religious Profession ni Rev. Fr. Roberto "Boy" Luanzon, Jr., OP. Noong May 13, 1986, kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima, anim na Dominican novices ang nag-profess sa Sto.Domingo Church sa Quezon City. Sa anim na ito, tatlo lamang ang naging paring Dominikano: Fr. Ferdinand Bautista, OP, Fr. Ramon Salibay, OP at Fr. Roberto Luanzon, OP. 


Ano po ba ang religious profession? 
Ayon sa 1983 Code of Canon Law:

"By religious profession members make a public vow to observe the three evangelical counsels. Through the ministry of the Church they are consecrated to God, and are incorporated into the institute, with the rights and duties defined by law." (CIC 654)

Nagkaroon po kami ng simpleng Q&A ni Fr. Boy:

________________________________
Q: Anu-ano na po ang mga naging assignments ninyo bilang isang Dominikano sa loob ng 25 taong iyon?

A: Ang umpisa nang aking 25 years ay ginugol sa initial formation, sa pag-aaral ng Philosophy at Theology. Na-assign ako after my ordination bilang assistant treasurer sa Letran Calamba at sa Convent of St. Albert the Great. Pinagkatiwalaan din ako sa formation bilang Pastoral Director at Vice Rector ng UST Central Seminary; at Master of Students ng Dominican Studentate. Sa academe naman, naging professor ako sa Liturgy sa UST at San Beda; at naging regent of the UST Faculty of Civil Law.  Binigyan din ako ng pagkakataong mag-aral ng Licentiate at Doctorate in Liturgy sa San Anselmo sa Roma.

________________________________

Q: Paano ninyo ipinagdiwang ang inyong silver jubilee?

A: Tahimik kong ipinagdiwang sa mataimtim na panalangin at pagninilay ang aking 25th anniversary. Hindi ko nga ito ipinaalam pa sa iba. Umattend ako ng aming conventual mass at 7:15 AM and I spent the day as usual. Hindi na rin ako kumain pa sa labas. 

Nang sumunod na linggo naman ay nagmisa ako sa Apostles Filipino Catholic Community sa Roma kung saan binigyan ako ng solemn blessing ni Fr. Tacky, OFM, Spiritual Director ng AFCC, kasama ng mga ibang concelebrants na sina Fr. Louie Coronel, OP at Fr. Emman Giva, OFMConv. 



May kainan talaga noon sa Chinese Restaurant dahil First Communion ni Yhurifei Esporlas kaya nakisama na lamang ako sa handaan he he he.

________________________________


Q: Sa loob ng 25 taon, pumasok na din po ba sa isipan ninyo ang lumabas?

A: Oo subalit napaglabanan. Sa awa ng Diyos ay nanatili at nakaabot pa ng 25 years.

________________________________

Q: Ano po ang nag-sustain na inyong bokasyon?
A: Panalangin.

_______________________________

Q: Ano po ang naging papel na ginampanan ng AFCC sa inyong buhay dito sa Roma?

A: Bilang isang pamayanan ng Diyos, napakalaking suporta ang naibigay sa akin ng AFCC sa maraming aspeto ng aking buhay. Nagbigay ito ng pagkakataong makapaglingkod ako sa Panginoon sa pamamagitan ng isang community. Pastoral exposure din ito sapagkat mahirap naman kung puro aral at hindi balanse ang ating buhay. Salamat AFCC.

________________________________

Q: Ano ang pinakamahirap na stage na inyong pinagdaanan?

A: Novitiate. Ito ay 'yung panahong huhubugin ka at masusubukan ang determination mong maglingkod bilang relihiyoso sa pamamagitan ng intense formation. Si Fr. Edmund Nantes, OP ang aming naging tagapaghubog.

________________________________

Q: Nagkaranas na po ba kayo ng panahon na nagsawa na kayong magdasal?
A: [walang kurap] Wala. Hindi ako nakaranas ng ganoon. Salamat sa Diyos.

________________________________

Mabuhay ka Fr. Boy. Let us continue to inspire and pray for one another.

Happy 25th Anniversary!


interviewed by FLC



Post a Comment

0 Comments