BAKIT PO DECEMBER 25 ANG ARAW NG PASKO? WALANG MAY ALAMWalang may alam ng exact birthday ng Panginoong Hesus. Ang birthday ni Jesus ay hindi naganap noong 1AD dahil ito ay slightly earlier, sa pagitan ng 2BC at 7BC (Walang 0AD – after ng 1BC, 1AD na agad!). Walang ding binanggit sa Bible, so bakit December 25?
FIRST RECORDAng kauna-unahang naitalang petsa na ipinagdiwang ang Pasko nang December 25 ay noong 336AD sa panahon ni Emperador Constantine (ang unang Christian Roman Emperor). Matapos ang ilang taon, idineklara ni Pope Julius I na officially December 25 na ang celebration.
WINTER SOLSTICE AT MGA PAGANONG PAGDIRIWANGAng malamang na dahilan sa pagpili ng December 25 ay dahil nagaganap sa December ang Winter Solstice at ginaganap din ng mga pagano ang kanilang mga midwinter festivals na tinatawag na 'Saturnalia' at 'Dies Natalis Solis Invicti'
Ang Winter Solstice ay ang araw na kung saan pinakamaikli ang oras sa pagitan ng sunrise at sunset na nagaganap twing December 21 o 22. Para sa mga pagano, ang ibig sabihin nito ay tapos na ang taglamig at simula na nang tagsibol kaya may pagdiriwang sila sa kadahilanang natalo na ng araw (sun) ang dilim ng winter.
Ang “Saturnalia” naman at ginanap sa pagitan ng December 17 at 23 upang parangalan ang diyos-diyosang si Saturno.
Ang “Dies Natalis Solis Invicti” na ang ibig sabihin naman ay 'birthday of the unconquered sun' ay ginaganap twing December 25 (Akala kasi ng mga Romano ay December 25 ang Winter Solstice nung panahong iyon) at ito ang rin 'birthday' ng Pagan Sun god na si Mithra. Dahil Sun god si Mithra, tinawag na Sunday ang araw na iyon.
PASKO: KRISTYANONG PAGDIRIWANGBinigyan ng bagong meaning ng mga sinaunang kristyano ang mga nabanggit na festivals ng mga pagano. Para sa mga pagano, they celebrated the Sun god and the 'birthday of the unconquered sun'; Para sa mga Kristyano, we celebrate the birth of the Son of God 'the unconquered Son'! Si Hesus ang nagbigay ng liwanag sa kadiliman na sininisimbolo ng naganap na pagningning ng bituin sa Kanyang sabsaban. Hindi Siya isang meteorological phenomenon lamang tulad ng winter solstice at pagsikat ng araw; Siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao para sa atin.
Maaring sabihin ng iba: “Eh gaya-gaya lang naman pala tayo sa mga pagano.” Pero hindi po ‘yun ang punto. Ang punto po ay binago ng Simbahan ang pananaw ng mga pagano noong panahong iyon. Ginamit ng Simbahan ang kinagisnang kaugalian upang ipahayag ang katotohanan at mahikayat ang marami sa Kristyanismo. Iba ang kahulugan ng “nanggaya” sa salitang nag-“adapt”.
ISA PANG DAHILAN KUNG BAKIT DECEMBER 25Ang March 25 ay sacred day din sa mga pagano, kung kailan naman ipinagdiriwang ang paparating na tagsibol na simbolo ng bagong buhay. Ayon sa tradisyong Katoliko, ito ang araw kung kailan binati ng anghel ang Mahal na Birheng Maria (Annunciation) at siya ay naglihi. Ang Nine months (pagbubuntis ng isang ina) after March 25 ay December 25!
GREGORIAN AT JULIAN CALENDARSAng ginagamit nating calendar ngayon ay ang 'Gregorian Calendar' na implemented ni Pope Gregory XIII noong 1582. Bago ito, Julian Calendar (named after Julius Caesar) ang ginamit. Mas accurate ang Gregorian. Ang daming days ng Julian. Nung nagpalit ng calendar, 10 days ang nawala sa Julian kaya from October 4, 1582 jump agad sa October 15, 1582!
Ito ang dahilan kung bakit maraming Orthodox at Coptic Churches ang nagse-celebrate ng Pasko sa January 7 dahil Julian pa din ang gamit nila. Ang Armenian Church naman January 6! Sa ibang bahagi ng UK, ang January 6 ay tinatawag na 'Old Christmas'
SAN AGUSTINSi St Augustine ang talagang nagkalat ng tradisyon ng pagdiriwang na ito ng December 25 noong 6th century sa Britain at Western Europe.
CONCLUSION'Yan ang maikling pagpapaliwanag kung bakit December 25 ang Pasko. Nawa’y nakatulong ito. Hindi na po ganoong mahalaga kung alam natin o hindi ang birthday ng Panginoon. Ang pinakamahalaga ay alam nating Mahal tayo ng Diyos at ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak para sa atin sa araw ng Pasko (cf.Jn 3:16).Ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan. Kung tayo ay nagmamahal, araw-araw ay Pasko. Kung tayo ay nagmamahal, balewala na ang panahon, o petsa o oras sapagkat ang pagmamahal ay walang hanggan.
0 Comments
God bless you!