Wednesday, March 16, 2011

MAGTANONG KAY FATHER: On Confession

Paul Cardenas asks 
Father, marami pong nangungumpisal, lalo na tuwing Semana Santa. Ano po ang comment niyo sa eksenang ito, na nangyari at natunghayan ko noong 2006. Isang parokya sa isang depressed area ang may kumpisalang bayan. Ang sabi ng kura paroko, sa dami ng ibig mangungumpisal, gumawa na siya ng paraan. Pinasulat niya ang mga kasalanan ng bawat isa sa papel at ilalagay ‘yun sa isang kawang malapit sa altar at duon sa loob ng kawa susunugin. Pagkatapos po, bibigyan nya ng sabayang dasal ng pagpapatawad at tapos na. Naiintindihan ko po ang hirap at pagod ng pari sa ganitong situasyon. Ano po comment niyo? "

_______________________________

UNA, alamin natin kung ano ang different forms ng Sacrament of Reconciliation. Mayroong three forms lamang: 

1. The Rite for the Reconciliation of Individual Penitents—Sa first form, isa-isang mangungumpisal ang mga tao, at isa-isa ding bibigyan ng absolution

2. The Rite for the Reconciliation of Several Penitents— Sa second form, ihahanda ang isang grupo ng penitents nang sabay-sabay at pagkatapos nito ay isa-isa paring bibigyan ng kumpisal at isa-isa pa ring bibigyan ng absolution. Kinakailangan ng maraming magpapakumpisal kapag ganito.

Q: Pwede po bang common din ang penance? 
A: NO,po. Individual pa rin dapat 


3. The Rite for the Reconciliation of Several Penitents with General Absolution—Ang third form ay ang pagbibigay ng isang general absolution para sa lahat. 


IKALAWA, alamin natin kung ano ang sinasabi ng batas ng Simbahan. 

Can. 960 Individual and integral confession and absolution constitute the sole ordinary means by which a member of the faithful who is conscious of grave sin is reconciled with God and with the Church. Physical or moral impossibility alone excuses from such confession, in which case reconciliation may be attained by other means also. 

Explanation: Ang individual and integral confession or ‘yung makikita sa form numbers 1 at 2 lamang ang ORDINARY means upang makapangumpisal ang isang taong may mabigat na pangakakasala. Ibig sabihin, isa-isang mangungumpisal at isa-isang bibigyan ng absolution


Can. 961 §1 General absolution, without prior individual confession, cannot be given to a number of penitents together, unless:

1° danger of death threatens and there is not time for the priest or priests to hear the confessions of the individual penitents;

2° there exists a grave necessity, that is, given the number of penitents, there are not enough confessors available properly to hear the individual confessions within an appropriate time, so that without fault of their own the penitents are deprived of the sacramental grace or of holy communion for a lengthy period of time. 

A sufficient necessity is not, however, considered to exist when confessors cannot be available merely because of a great gathering of penitents, such as can occur on some major feastday or pilgrimage.

§2 It is for the diocesan Bishop to judge whether the conditions required in §1, n. 2° are present; mindful of the criteria agreed with the other members of the Episcopal Conference, he can determine the cases of such necessity. 

Explanation: Ang general absolution o ‘yung form number 3, ay EXTRAORDINARY means. So anu-ano ang dapat isa-alang-alang upang maging licit ang General Absolution: 

1. Kapag nasa bingit na ng kamatayan at wala nang panahon para para gawin ang individual confession. (ex. Lulubog na ang barko; babagsak na ang eroplano) 

2. Kailangang present ang 3 conditions na ito (kapag isa rito ay wala, hindi pwede): 

a. May matinding pangangailangan para magkumpisal 
b. Marami ang penitent at konti lamang ang magpapakumpisal 
c. Kapag hindi napakumpisal ang malaking grupo ng taong ito ay matatagalan na muli bago pa sila makapagkumpisal 

SPECIAL QUESTIONS
Q: Sino ang dapat mag-determine ng mga kaso kung saan pwedeng magpa-general absolution? 
A: Ang Obispo o Bishop Conference (Canon 961 §2) 

Q: Paano magiging valid ang general absolution na ibinigay sa grupo ng mga tao? 
A: Kapag nagkaroon ng pagkakataon, dapat na ikumpisal pa rin ang mga grave sins individually. (Canon 962§1) 

Q: Kailangan po bang mag-Act of Contrition o Pagsisisi bago ganapin ang general absolution? 
A: OO, kahit na nasa bingit pa ng kamatayan basta’t may panahon pa. (Canon 962§2) 


IKATLO, ating suriin ang naganap sa inyong parokya. 

1. Marami pong nangungumpisal dahil Semana Santa. 

Maliwanag na maliwanag sa Canon 961 §1 na hindi lang sa dahilang marami ang mangungumpisal ay maari nang ibigay ang general absolution. Kahit nga raw major feast day (in this case Holy Week) o pilgrimage ay hindi sapat na dahilan. 

2. Pinasulat ang mga kasalanan ng bawat isa sa papel at ilalagay sa isang kawang malapit sa altar upang sunugin 

Wala po sa three forms ng Rite of Penance ang pagsusunog ng mga kasalanang isinulat sa papel sa kawa. 

3. Binigyan ng sabayang dasal ng pagpapatawad. 

Maliwanag din po na sa Canon 961 §1 ang mga dahilan upang igawad ang general absolution at sa case na ito ay hindi po licit at improper ang nangyari. Ang pari nga po ang dapat magsabi na after ng general absolution (kung nasa pamantayan) kailangan pa ding sabihin ng pari na mag-individual confession and absolution ang mga tao kung magkaroon ng pagkakataon. (c. 962 sec. 2). 


CONCLUSION
Hindi ko po alam kung gaano kadami ang mga tao, subalit illicit po ang ginawang kumpisalang bayang iyon. Kung hindi naman makapagkumpisal sa araw an iyon ang mga tao ay hindi naman sila made-deprive sa mahabang panahon. Mukhang hindi rin ito inuutos ng obispo since hindi magbibigay ng pagsang-ayon ang obispo na wala sa batas ng simbahan.

Usually po sa isang kumpisalang bayan, form no. 2 ang ginagamit at syempre expected na madaming tao kaya't dapat ay pinaghandaan. 


Sources: 
Pope Paul VI, General Audience (April 3, 1974). 
Code of Canon Law 
Rite of Penance

1 comment:

  1. Father hindi po ba ako karapat dapat mahalin kasi hindi po ako perpektong tao ? nawawalan na po ako ng pag asa father nawala na po ang lahat saken alam ko po marami po akong naging kasalanan pero bakit po ganun bakit parang pinaparusahan parin po ako? pagod na pagod na po ako parang ayaw ko na po umasa at mabuhay pa !!!

    ReplyDelete