Ticker

8/recent/ticker-posts

LENTEN HOMILY: Panalangin. Pag-aayuno. Kawang-gawa (2011)

(Homily delivered by His Eminence Gaudencio B. Cardinal Rosales during the Ash Wednesday Mass at 8 a.m. on March 9, 2011 at the Arzobispado de Manila.)


Taon-taon ginagawa natin ito: ang pagdiriwang nang apatnapung-araw at gabi sa panalangin, pagaayuno at sa pagbibgay ng kawang-gawa. Palatandaan ito ng apatnapung araw at gabi na si Hesus ay pumasok sa disyerto. Doon ginawa niya ang ayuno, panalangin, pagbibigay ng kanyang sarili sa Diyos.

Apatnapung taon na hindi malilimutan ng Israel ng sila ay itawid ng Poong Maykapal at iligtas sa pagaalipin ng Paraong Hari ng Ehipto. Akala nila sila ay alipin ng ibang tao. Ipinasok sila ng Diyos sa pamumuno ni Moises at Aaron sa ilang sa disyerto at duon natuklasan nila hindi pala si Paraon ang nagpapahirap sa kanilay. Not Pharaoh, kundi ang kanilang sarili. Akalain niyo yun! Akala nila ay ibang tao ang umaalipin sa kanila. Forty years na dinala sila ng Diyos dun sa disyerto, sa ilang na lugar na ayaw pasukin ngayon ni ng pari, obispo, o tao. Sa disyerto na kung saan matutuklasan kung sino ang umaalipin. Yun pala ay nakita nila na sila ang alipin ng kanilang sarili. Sila ang nagpapahirap sa kanilang sarili. Sila ang sumasamba sa maling Diyos. Natatandaan natin sa Exodo, ipinakita nila kung sino sila talaga, sumasamba sa maling diyos. Hikaw, singsing, alahas, nilagay sa altar at lumilok sila ng bagong estatwa na diyos-diyosan.

Forty years to discover... Kaya pala itong disyerto ayaw pasukin nino man; ni pari ayaw pumasok sa disyerto, sapagkat duon makikita mo ang iyong tunay na pagkatao. Idolater. Selfish. Greedy. Ambitious. Oppresor. Lahat makikita sa disyerto. Ang kuwaresma, quarenta dias, ay ang summary nung apatnapung taon sa disyerto; ng apatnapung araw at gabi ni Hesus. At dito hinihimok ang tunay na Kristiyano, pumasok sa disyerto ng kuwaresma upang gawin yung ginawa ni Jesus. Prayer, fasting and giving of self or almsgiving.

Una. Panalangin. Ginagawa natin ito, yamang may magagandang payo si Jesus. Hindi yung pakitang tao. Yung manalangin tayo nang walang kaniig kung hindi ang Diyos. Yung Kausap natin ang Diyos maging hindi sa loob ng bahay dalanginan. Chapel, no. Church, no, not necessarily. Basilica? Kausapin ang Diyos, dito? Oo puede. Puede rin sa inyong sariling tahanan. Puede rin sa isang sulok ng bahay. Puede sa loob ng bedroom. Puede nakaupo sa kama. Kausapin ang Diyos sapagkat ang Diyos ay laging kasama natin, lamang... siguro malaki ang hinanakit sa atin ng Diyos sapagkat di natin siya makausap. "Bakit ako ay hindi kinakausap? Ako ay laging nasa tabi mo! Bakit hindi ka lagi sumasagot? Bakit hindi mo ako pinapansin? Ako ay parating kasama mo."

We have to be trained not just to say prayer... there is a distinction between praying and being prayerful. Praying, katulad ng ginagawa natin ngayon. Pormal na pormal. At ito ay maoorasan mo. Prayer could be timed. Ako ay minsan natutukso na ino-orasan ko ang aking panalangin, para bang tasadong-tasado ang Diyos sa akin. Siguro ang laki ng hinanakit sa Diyos, na parang sinasabi sa akin ba’t ako ay nirerelohan mo, inoorasan mo. That is saying a prayer. 

Pero mayroon naman isang mas magaling kaysa just saying a prayer. Ano yun? Being prayerful, which is different from acts of prayers, which is what we are doing now. Pagkatapos nito pasok na sa ating kuarto, at wala na, hindi na pansin. Yun ang paghihinakit sa atin ni Jesus.

Ito ay para sa inyo, u-ulit-ulitin ko. Parating matatagpuan natin si Hesus sa ating mga gawain. Maging sa ating binabasa, sa ating pagkain, sa ating lahat ng galaw, lamang nalilimutan natin … Prayerfulness is different from saying a prayer... Sasabihin natin, Jesus samahan mo ako..That is being prayerful... Daladala mo yan at hindi mo oorasan, hindi mo maoorasan. Ano ang ginagawa mo pagkasama mo si Jesus. Isang bahagi nga ng ating paghuhubog ng ating sarili, pag laging aware tayo na nandiyan si Jesus, nakakausap siya,at bumubulong bulong siya sa atin... "tama yan", "mali yan". Yan ang tinatawag na konsensiya. At kung minsan kapag mabigat yung paglabag mo sa pagasimsim ng Diyos (inspiration), sisihin pagkat di mo narinig siya. Kaya kung minsan makakagawa ka ng di dapat. Nakakagawa ka ng suwail. Nakakagawa ka ng marahas, sa ibang tao, sa kapwa, pagkat hindi mo siya sinunod. At mayroon ngang taong nagpapatiwakal magbabaril dito (points to the head) o dito (points to the chest) pagkat hindi sinunod ang Diyos. Binabagabag siya. At kung minsan nagkakasakit. Bakit? Sapagkat ang Diyos as hindi niya naramdaman; hindi niya pinakinggan, hindi niya pinapansin.Conscience. Prayerful.

Ang ikalawa ay ito. Magayuno. Kalimitan ang alam natin sa pagayuno ay ang pagbawas ng pagkain. Ok yan. Pag gustong mag-diet, magpa-slim. Pero hindi yan ang dahilan. Yung mag-ayuno ka at magbawas ng pagkain para bang sinasanay mo ang sarili sa hindi maalwuan, sa hirap, sa pagtitiis, sa pagbabata ng krus, sa pagsalungat sa iyong sarili. kino-control mo ang sarili, para kang nagpapasan ng krus, kahit ng mabigat, hinuhubog mo ang sarili.

Pero kalimitan pagkain, yes, fast from food. Pero ito ay pag-control sa sarili hindi lamang sa pagkain. We will abstain; we will fast; mag-aayuno tayo sa ating mga ambisyon, sa ating biglang pagkagalit…to fast from getting angry. Mag-aayuno ako, pipilitin kong hindi ako magagalit. Pipilitin ko hindi ako mag mamakasarili. Pipilitin kong magbata katulad ni Jesus.Remember, tayong lahat larawan ni Hesus, larawan ng Diyos. Itong pagkalikha sa atin ... man was made in the image of God. Eh kung ang Diyos ay nagpakumbaba bakit hindi ako magaayuno, sa aking pagmakasarili, sa aking ambisyon, sa aking galit. Kung ay Diyos ay nagkatawang tao, pumasok sa kahirapan, bakit hindi ko pipigilan ang sarili sa pag-iimbot at marahas na paraan. Ito ang kuwaresma. Beyond food but fast from those that are selfish, those that are self-seeking.

At ang pangatlo ay yung pag-abuloy, almsgiving. Pagbibigay ng tulong. Dalawang paraan lang talaga, well, sabi nga "don't show it", siyempre if you advertise yourself, promote yourself, that's wrong, hindi na pinaguusapan yun. Yung pagabubuloy, look at it this way. Tumulong ka ng malaki, tumulong ka ng maliliit. Pagtumulong ka ng malaki, kalimitan hindi mauulit. Pagtumulong ka ng maliit, maski araw-araw, umaga, tanghali, gabi, puede mong gawin. Yan ang pilosopiya ng Pondo ng Pinoy. Pagkat ang kawang-gawa ay trademark ng Kristiyano. Hindi ka Kristiyano kung hindi ka gagawa ng kawang-gawa You are not a Christian. Hindi ka papasok sa langit kung hindi ka magbibigay ng tulong sa kapwa. Nakatitik yan sa ebanghelyo. Anu man ang ginawa ninyo sa kapwa ginawa niyo sa akin... It's the quality trademark of a Christian... It doesn't have to be big. Ang kawang-gawa ay trademark ng Pilipinong Kristiyano. Hindi ang halaga ang pinag-uusapan. Ang pinaguusapan ay isasabuhay mo yan araw-araw. Maging ang singko sentimos ang magtalaga sa pagibig ng Diyos at kapwa tao. Almsgiving is your picture before God. Yan ang ID mo. Mas magaling yung singko sentimos na ginagawa mo sa almasul, sa tanghalian at hapunan. Mas magaling, at binubulungan mo yung singko sentimos, "Diyos ko mahal na mahal kita", mas magaling yun sa Diyos, maniwala kayo. At mayroon ng gumagawa niyan sa Pondo ng Pinoy, mga bata... "Jesus, I love you." That is what you do in almsgiving. It is your picture before God. It is your validation before God. Para bang pinopondohan mo yung tseke. Yung ang kinatutuwa ng Diyos, hindi ang halaga kundi ang tindi nay iyong pag-ibig.

Huwag niyong kalilimutan. Tatlo lang yun. Every year. Panalangin. Ayuno. Kawanggawa. Harinawa hindi na tayo papasok sa disyerto. Dala natin ang tatlo, matatagpuan natin si Kristo sa ating pagbabago.. sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Post a Comment

0 Comments