Wednesday, January 26, 2011

Pagbebelo ng Katolikong Kababaihan

PAGBEBELO NG KATOLIKONG KABABAIHAN

Belong puti para sa misa.

Sa panahon ngayon, kapag sinabi mong‘belo’, associated agad ito sa pagpaparetoke at pagpapaganda. Sa 2,000 taon ng Simbahan, ang ‘belo’ ay associated sa paggalang, pag-aalay ng sarili at kabanalan. Ang mga Katolikong babae ay nagbebelo bago pumasok sa Simbahan o kung nasa Blessed Sacrament. Narito ang mga tanong na sasagutin natin sa dulo ng E-Lecture na ito:

  1. Kailangan pa bang magbelo ng mga babae?
  2. Kung gusto kong magbelo, pwede pa ba?

Belong itim para sa funeral mass

SAAN GALING ANG CUSTOM NG PAGBEBELO?

Mate-trace ito sa pamayanan ng mga Jews, Greeks at Roman. Nagbebelo ang ang mga babae sa kanilang pook-sambahan bilang tanda ng paggalang sa kanilang sinasampalatayanan.



AYON SA BANAL NA KASULATAN (1 Corinthians 11:2-16 )

Si St. Paul ay nagbigay nga mahabang pagpapaliwanag at ordinance tungkol sa pagbebelo:


“2 Ipinagmamalaki ko kayo dahil naaalala ninyo ako at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo. 3 Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang nakakasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakakasakop sa kanyang asawa, a at ang Diyos naman ang nakakasakop kay Cristo. 4 Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya. 5 Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang walang belo ay nagdudulot ng kahihiyan sa

Belong itim sa pagdalaw sa Papa ng mga may katungkulan.
nakakasakop sa kanya, para na rin siyang babaing ahit ang ulo. 6 Kung ayaw magbelo ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok. Yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok, dapat siyang magbelo. 7 Hindi dapat magbelo ang lalaki dahil siya'y larawan at karangalan ng Diyos. Ngunit ang babae ay karangalan ng lalaki, 8 sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki. 9 At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae, kundi ang babae ay nilalang para sa lalaki. 10 Alang-alang sa mga anghel, dapat magbelo ang babae bilang tanda na siya'y nasasakop ng kanyang asawa. 11 Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae. 12 Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki nama'y isinisilang ng babae, at mula sa Diyos ang lahat. 13 Kayo na ang humatol, angkop ba sa isang babae ang makitang nananalangin nang walang takip sa ulo? 14 Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok, 15 ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. 16 Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa pagsamba, wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesya ng Diyos.

Source: Mabuting Balita Bibliya 1 Corinthians 11:2-16

Belong puti na ginagamit din sa pagdalaw sa Blessed Sacrament

Explanation ng 1 Corinthians 11:2-16

Ayon kay St. Paul, ang mga babae ay nagbebelo:

  1. Bilang tanda ng kaluwalhatian ng Diyos, at hindi ng atin.
  2. Bilang tanda ng ‘submission to authority’.
  3. Bilang panlabas na tanda ng pagkilala sa headship, both of God and the husbands (or fathers, kung dalaga pa).
  4. Bilang tanda ng pagrespeto sa presence of the Holy Angels sa Divine Liturgy.

Ipinatupad ito ni St.Paul sa mga simbahan na kanyang napuntahan.

Princess Diana sa pagbisita sa Papa


AYON SA LUMANG CANON LAW

Ayon sa lumang 1917 Code of Canon Law:

Canon 1262, “...that women must cover their heads – ‘especially when they approach the holy table.’"


Noong 1960’s, tinanong ng media si Fr.Bugnini, isang participant ng Vat. II, kung kailangan bang magbelo ng mga babae. Ang sagot nya ay “hindi ito napag-uusapan”. Ang media naman, ang inilagay sa news ay “hindi na raw kailangan magbelo”. Magkaiba po ‘yug lumabas sa media kaysa sa sagot.



AYON SA BAGONG CANON LAW

Noong ipinagtibay na ang 1983 Code of Canon Law, wala pong inilagay na provision tungkol sa pagbebelo. Hindi po ito inalis, hindi lamang binaggit. Ayon kasi sa canons 20-21, binubura ng bagong canon law ang mga dating canon laws kung ito ay explicitly na sinabi sa isang provision. Ibig sabihin kung walang sinabi, hindi po ito nabura.


Ang sabi naman ng Canon 27: “Custom is the best interpreter of laws.“ [Bahagi na ng catholic custom ang pagbebelo.]


Ang sabi naman ng Canon 28: “But unless the law makes express mention of them, it does not revoke centennial or immemorial customs, nor does a universal law revoke particular customs.“



Bride
AYON SA ‘INTER INSIGNIORES’ DOCUMENT

Matapos ang Vat II, ang tradition ng pagbebelo ay naging ’relaxed’. Noong 1976, ipinahayag ng Sacred Congregation for the Doctrine of the Faith sa kasulatang “Inter insigniores” na ang pagbebelo ay “no longer binding” sa mga babae ngayon (Inter insigniores, 4). Basahin natin:

But it must be noted that these ordinances, probably inspired by the customs of the period, concern scarcely more than disciplinary practices of minor importance, such as the obligation imposed upon women to wear a veil on the head (1 Cor 11:2-6); such requirements no longer have a normative value.” - Inter insigniores, 4


Gaya ng nabanggit, wala na ring requirement na magsuot nito sa current Code of Canon Law.



CONCLUSION AND REFLECTION

Hindi na binanggit sa Canon Law ang pagbebelo at hindi rin naman ito binura. Ang Vatican document na “Inter insigniores”ang nagsabi na noong panahon ni St. Paul ay pinatupad ito bilang ordinance na ngayon ay hindi na hinihingi bilang isang requirement ng Simbahan sa pagsisimba ng mga babae. Samakatwid, nawalan ng ‘force of law’ ang pagbebelo bagamat hindi naman ito abrogated.


Kaya’t kung hindi magbelo ang isang babae, hindi po sya nagkakasala. Kung gusto naman magbelo ng isang babae sa misa, go ahead, hindi naman po ipinagbabawal.

Sa ngayon, karaniwang ang mga nagbebelo na lamang ay ang mga madre, first communicants, mga ikinakasal at kapag may protocol (tulad ng pagbisita ng isang may katungkulan sa Santo Papa) at mga may edad na babae.


Ang belo po ay isang outward sign of consecration, isang panlabas na tanda ng pagtatalaga ng sarili. Ang bride ay nagbebelo sapagkat itinatalaga na niya ang kanyang sarili sa Diyos at sa kanyang asawa. Subalit ang mas mahalaga ay ang “interior consecration” o ang pagtatalaga ng ating kalooban sa Diyos. Hindi ibig sabihin na kapag hindi nagbelo ang isang babae ay hindi na siya nakatalaga sa Diyos. Gayundin naman, ang mga pari ay nakatalaga na sa Diyos nakaabito man o civilian clothing.


Di na po nire-require ang magbelo
Mahalaga po ang panlabas subalit mas mahalaga ang panloob.

Sagutin po natin ng straight ang dalawang tanong sa taas:

  1. Kailangan pa bang magbelo ng mga babae? Hindi na po required ng batas ng Simbahan.
  2. Kung gusto kong magbelo, pwede pa ba? Pwedeng-pwede po...basta babae ka ha. Baka kasi may gustong magbelo di naman babae. Ibagay din natin ang clothing natin sa pagbebelo. Nakabelo ka nga, ang damit naman ay hindi proper sa misa.

No comments:

Post a Comment