Friday, January 21, 2011
MAGTANONG KAY FATHER: On the Unbaptized Infants who died
MAGTANONG KAY FATHER: On the Unbaptized Infants who died
by Apostles Filipino Catholic Community on Saturday, January 22, 2011 at 3:04pm
Your changes have been saved.
MAGTANONG KAY FATHER: On the Unbaptized Infants who died
Maria Theresa Orap- Cabezon asks “Ano po ang mangyayari sa kaluluwa ng mga sanggol na namatay na di nabinyagan, tulad ng mga na-a-abort (sadya man o hindi), o mga namatay sa sakit, biktima ng digmaan, etc?
_________________________________________
Salamat Theresa sa iyong tanong. Dadahan-dahanin natin, ha. May kahabaan ng konti ang sagot.
St. Thomas Aquinas
TURO NI ST. THOMAS AQUINAS
Ang Simbahan ay HINDI kailanman nagbigay ng formal teaching tungkol sa eternal fate ng mga sanggol na ito kahit na maraming nag-suggest noon pa man na i-define na ito formally bilang isang doktrina.
Gayunpaman, ang view ni St.Thomas Aquinas ay WIDELY ACCEPTED at NEVER REJECTED ng Simbahan. Inuulit ko, accepted man ang turo ni St. Thomas, WALA pa rin pong formal declaration about it. Klaro po ba?
Eto po ang position St. Thomas Aquinas:
1) SA ISANG BANDA,walang suffering para sa mga babies na wala namang personal guilt. Kinonfirm ito ni Pope Pius IX, sa "Quanto conficiamur moerore," noong August 10, 1863 nang sinabi nyang "God in His supreme goodness and clemency, by no means allows anyone to be punished with eternal punishments who does not have the guilt of voluntary fault."
2) SA KABILANG BANDA, ang kanilang kaluluwa ay kinulang sa transformation by grace na kinakailangan upang magkaroon ng Beatific Vision. Kaya, hindi nila makikita ang Diyos. Pero, meron silang natural happiness, and they do not miss what they do not have.
Ang Beatific Vision ay supernatural happiness.
Para sa mga batang ito, natural hapiness lamang o ang tinatawag na “limbo”.
TURO NG SIMBAHAN TUNGKOL SA LIMBO
Kasasabi ko lang kanina na WALA pong formal declaration tungkol dito.
Q: So, ano ang “Limbo” na sinasabi ni St. Thomas Aquinas?
A: Simula noon pa, ang “Limbo” ay isa lamang THEOLOGICAL OPINION. Naging popular ito subalit hindi na natin ito itinuturo ngayon.
Q: So, ibig sabihin po ba nun walang “Limbo”?
A: The theory of limbo is NOT ruled out. Yan ang sabi ng International Theological Commission o ITC.
INTERNATIONAL THEOLOGICAL COMMISSION [ITC]
Q: Ano ba ang ITC?
A: Ito ay grupo ng 30 theologians chosen by the Pope na nagbibigay ng advice sa kanya. Ang anumang documento na ilabas nito, kahit approved pa ng Papa, ay HINDI formal declaration.
Q: Papaano magiging formal na declaration ang isang turo?
A: Magiging formal declaration lang kung sinabi ng Papa through a formal document o sa pamamagitan ng General Council (ex. Vat. II)
- Noong April 20, 2007, nag-release ang ITC ng document, commissioned under Pope John Paul II, called "The Hope of Salvation for Infants Who Die Without Being Baptized." Si Pope Benedict XVI naman po ang nag-approve. [di pa yan doctrina, ha]
Pope Benedict XVI
"THE HOPE OF SALVATION FOR INFANTS WHO DIE WITHOUT BEING BAPTIZED"
Q: Ano ang laman ng documentong ito?
A: The report concludes that “limbo remains a 'possible theological opinion.' Anyone who wants to defend it is free to do so. This document, however, tries to give a theological rationale for hoping that unbaptized infants may be saved."
Ang “Limbo” daw ay possible pa din subalit nagpahayag sila na maaaring maligtas ang mga sanggol na ito [ibig sabihin, magkaroon ng beatific vision.]
Gusto nilang bigyang diin ang universal salvific will ng Diyos at ang solidarity in Christ kaysa sa necessity of baptism, which is NOT absolute but is qualified in certain ways.
Q: So bale wala na po ba ang Baptism?
A: Sabi ng ITC, di raw ito absolute at qualified in certain ways. Anong ways un? E, di yung case nga ng mga pina-abort, namatay na di nabinyagan na sanggol. Kung nabuhay ang sanggol, eh di yun sakop. Obligasyong matindi ng mga magulang na pabinyagan ang mga anak nila.
Ang Baptism pa din ang ORDINARY WAY para tayo ay maligtas.
MAKAPANGYARIHAN AT MAAWAIN ANG DIYOS
Sabi ng ITC, tulad ng sa katekismo [ CCC1260, 1261, 1283] : “that we have a right to hope that God will find a way to offer the grace of Christ to infants who have no opportunity for making a personal choice with regard to their salvation."
DECLARATION NG SIMBAHAN TUNGKOL SA FATE NG MGA SANGGOL NA UNBAPTIZED
Mismong ang ITC, ay may duda kung ito ay made-declare, dahil ang Simbahan ay wala nang sasabihin pa maliban sa nakasaad sa sumusunod na documento:
1. Funeral rites for infants who have died without baptism in the 1970 Roman Missal,
2. 'Pastoralis Actio' — the document from 1980 from the [Congregation for the Doctrine of the Faith] on the baptism of infants.
So, walang sinabing bago ang Simbahan.
EXTRA-SACRAMENTAL GIFT
Dagdag pa ng ITC, “...given our understanding of God's mercy and the plan of salvation which includes Christ and the gift of the Holy Spirit in the Church, we dare to hope that these infants will be saved by some extra-sacramental gift of Christ."
"We do not know what the destiny of these children is but we have grounds for hope."
TUNGKOL NAMAN SA ABORTION AYON SA ITC
Maaring ang marahas na kamatayan ang mag-unite mismo sa mga aborted children na ito kay Kristo.
Itinuro na ng Simbahan na “God provides a way of salvation for those who are invincibly ignorant of the Gospel and therefore have no access to sacramental baptism.”
ITC extends the logic of this teaching to infants. They suggest that the Holy Spirit offers to them, in a way known to God, the possibility of being made partakers in the paschal mystery.
CONCLUSION:
Hindi isinasarado ng Simbahan ang usapin tungkol sa “Limbo”. Gayundin, binibigyang-diin ang mga dati pang turo ng Simbahan tungkol sa PAG-ASA para sa ating lahat.
By the fact na pinayagan ang publication ng document ng ITC kahit ito’y hindi isang formal declaration, ay nangangahulugang walang mali sa kanilang inihahain na MAARING MALIGTAS ang mga unbaptized babies dahil sa AWA ng DIYOS na basehan ng ating PAG-ASA.
So Theresa, sa tanong mo kung ano ang mangyayari sa kaluluwa ng mga sanggol na namatay na di nabinyagan? Ang sagot ay WALA TAYONG ALAM subalit umaasa tayo na sa AWA AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS ay magkakamit ng KALIGTASAN ang mga unbaptized babies.
Si St. Thomas Aquinas na mismo ang nagsabi na may kapangyarihan ang Diyos na magpuno ng grasya kahit walang sakramento [St. Thomas Aquinas, in Summa II. 68.2.c. wrote that God "is not bound to the visible sacraments."]
Nawa’y nasagot ang iyong tanong.
Labels:
Abortion,
Baptism,
Limbo,
Sacrament,
Unbaptized Infants
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment