Friday, June 4, 2010

AFCC PANANAW AT MISYON


PANANAW AT MISYON NG APOSTLES FILIPINO CATHOLIC COMMUNITY



Ang The Apostles Filipino Catholic Community ay isang komunidad ng mga Pilipino sa Roma na umaasa sa biyaya ng Diyos upang mapanatili at mapagyaman ang mga pagpapahalagang Katolikong Pilipino. Naghahangad ito na maitaguyod at mapalago ang pananampalatayang katoliko, mabigyan ng matibay na pundasyon ang pag-asa sa Diyos at mapalaganap ang pag-ibig sa Diyos, sa kapwa at sa komunidad, sa pamamagitan ng:

Pagiging makatarungan at matapat na pagtupad ng mga gawaing pang araw-araw at magalang na pakikitungo sa lahat ng tao (Justice);

Matalino at bukas palad na paggamit ng mga biyayang tinanggap mula sa Diyos at sa tao (Prudence);

Pagiging mahinahon sa pagharap at paglutas ng mga suliranin sa sarili, sa komunidad, sa tahanan at mga pinagtratrabahuhan (Temperance);

Masigasig na pagpapayabong sa pananampalataya sa loob ng komunidad at lakas ng loob sa pagpapahayag nito sa lipunang ginagalawan (Fortitude) ;

Higit sa lahat, ang mataimtim na pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya bilang sentro at bukal ng buhay kristiyano-katoliko.

No comments:

Post a Comment