Pinapanatiling buhay ng Apostles Filipino Catholic Community (AFCC) ng Roma, Italia ang tradisyong Filipino at ang pananampalatayang Katoliko. Ngayong buwan ng Mayo, nag-alay ang bawat kasapi ng bulaklak sa Mahal na Birhen Maria.Sa saliw na kanta ay masayang pumila ang bawat isa papunta sa imahen ng Mahal na Ina:
Tuhog na bulaklak, sadyang salit-salit,
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa nami't pananalig,
Na tatanggapin mo, handog na pag-ibig!
Halina, tayo'y mag-alay ng bulaklak kay Maria
Palitan mo Birheng Mahal ng tuwa sa kalangitan
No comments:
Post a Comment