Source: GMA News, June 23, 2012
Sa dami ng batikos na inabot, ini-urong na ng Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino, ang House Bill 6330, o ang “an Act Empowering Heads of the Offices and Departments to strictly implement the Constitutional provisions on Religious freedom in government offices.
Pinuri ito ng dating CBCP President Archbishop Angel Lagdameo, sa Radio Veritas nitong Sabado. “Salamat dahil inurong niya ang panukala. Hindi natin dapat i-ban ang Diyos sa alinmang lugar,"
Ayon naman kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, ang panukala ni Palatino ay mistulang kinopya lang sa ibang bansa. “Salamat naman. Kasi naman copy cut lang ‘yan sa America. Isang mapanlinlang na panukalang batas. Kasi nga religious freedom daw ngunit nagbabawal ng expressions of religious beliefs," anang obispo.
Sabi ni Palatino, wala siyang intensiyon na ipagbawal ang Diyos at supilin ang rehiliyon o paniniwala sa mga kawani ng gobyerno at siya ay humingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa kanyang panukala.
(Mula sa GMA7 news)