Tuesday, May 1, 2012

Babaeng nag-pose sa krus, binatikos

I.C.U. (Improper, Censurable, Uncalled for): Babaeng nag-pose sa krus na suot ang maiksing shorts, umani ng batikos
by Nikki delos Santos, dzmm.com.ph | 04/09/2012
Isa na namang larawan, na kumalat sa mga social networking site, ang umani ng samu't-saring pambabatikos dahil sa umano'y pamababastos sa isang relihiyosong imahen. 

Mainit na pinag-usapan ang larawan ng isang babaeng nakasuot ng maiksing shorts at nag-pose sa harap ng krus sa Brgy. Lourdes Northwest, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa barangay captain na si Paul Ryan Puri, na siyang pinuno rin ng mga nag-organisa ng senakulo, hindi photoshop ang kumalat na larawan at kinumpirma niyang ito nga ay nangyari sa kanilang lugar.

Aminado si Puri na nahirapan silang kontrolin ang mga turista na bumisita sa taunang senakulo. 

Gayunman, kinondena ni Puri ang naturang kontrobersyal na larawan.

"Humihingi po kami ng paumanhin… nakita naman po ninyo kung gaano karami ang mga taong dumalo."

"Ikinalulungkot po namin ang mga litratong kumalat sa Facebook… ito po ay kinukundena naming," sabi ni Puri.


 ·  · Manage Translations · 

No comments:

Post a Comment