Narito po ang isang true story na translated sa tagalog at paraphrased. Ito po ay nalathala sa internet mula sa isang anonymous source.
Noong 1967 habang ako’y nag-aaral ng Photography sa University of Cincinnati ay nakilala ko si Charles Murray, isang estudyante na nagte-training para sa Olympics sa 1968 bilang isang high diver.
Matiyaga niya akong pinakinggan sa kung papaanong iniligtas tayong lahat ng Panginoong Hesukristo. Si Charles ay lumaki sa pamilyang hindi man lamang nagsisimba o nagdarasal kaya’t ang bawat ikwento ko ay kamangha-mangha sa kanya. Nagsimula din siyang magtanong tungkol sa kapatawaran ng kasalanan.
Dumating ang araw na ako naman ang nagtanong sa kanya. Tinanong ko s’ya kung handa ba s’yang manalig at iaalay ang kanyang buhay sa Panginoon. Ang sagot n'ya ay isang malutong na “Hindi!”
Nang mga sumunod na araw, s’ya ay naging tahimik at iniwasan ako hanggang sa bigla s'yang tumawag sa 'kin. Gusto raw n'yang malaman sa kung saan maaari n'yang mabasa ang tungkol sa kaligtasan sa Banal na Kasulatan. Ibinigay ko ang mga passages from the Bible at tinanong ko rin kung pwede kaming magkita. Sabi n’ya na 'wag na lang daw subalit nagpasalamat naman siya. Halatang s'ya naguguluhan at di ko alam kung paano s'ya matutulungan.
Dahil nga s'ya ay nagte-training para sa Olympics, merong s'yang special privilege sa paggamit ng University pool. Sa pagitan ng 10:30 at 11:00 nang gabi ding iyon ay nag-decide s’yang mag-practice. Maliwanag ang gabi dahil sa liwanag ng buwan. Ang swimming pool ay nasa ilalalim ng glass na bubong kaya’t ang liwanag ng buwan ay kitang-kita.
Habng umaakyat si Charles sa pinakamataas na platform para mag-dive, pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang mga nagawang pagkakasala. Lahat ng Bible verses na kanyang nabasa ay hindi maalis sa kanyang isip. Sa dulo ng platform ay tumingkayad na s’ya at patalikod na magda-dive; itinaas ang mga kamay at dumipa subalit sa liwanag ng buwan ay nakita n’yang nabuo ang anino ng isang krus. Hindi na n’ya kinayang dalhin pa ang kanyang mga kasalanan. Ipinagpaliban muna n’ya ang pag-dive at humagulogol sa pagsisisi, humingi ng tawad sa Diyos at nanalig. Naganap ang pagbabago ng puso na iyon 20 feet sa ere.
Walang anu-ano’y may nagbukas ng ilaw sa pool area. Dumating ang caretaker upang i-check ang swimming pool. Nang tumingin sa baba si Charles nakita n’yang under repair pala ito at walang lamang tubig!
Masidhi n'yang naranasan ngayon ang kahulugan ng kaligtasan. Iniligtas s’ya ng kanyang pananalig na nagdulot ng pagbabago ng kanyang puso na nagsimula sa anino ng krus.
No comments:
Post a Comment