Ang galunggong ay pangkaraniwang yamang-tubig ng Pilipinas. Ito ang naging batayang pang-ekonomiya ng mga Pangulo. Dapat ang mga mahihirap ay maari pa ring makabili ng GG.
Sa panahon ng kwaresma, tayo ay nakikibahagi sa hapag ng mga mahihirap. May mga taong ang turing nila sa kanilang buhay at isang napakahabang kwaresma dahil sa bigat ng krus na kanilang pinapasan. May mga taong kahit GG ay di makabili.
Nawa sa hapag ng Panginoon ay madama nila na may pag-asa ... hapag-asa ika nga. Ipanalangin natin sila kasabay ng ating pag-aayuno at abstinensya.
No comments:
Post a Comment