[L->R] Kristine, Elmalyn, Maria with Fr. Emman (at the back) |
Pagkatapos ng misa ng AFCC sa Roma noong march 20, 2011, nagkaroon ng informal round table discussion ang ilang members ng AFCC: Si Fr. Louie ang naging facilitator, si Fr. Emman ang resource person at may tatlong babaeng naging mga respondents sa talakayan:
1.Kristine Ortega - single, OFW, tubong-Batangas, 5 taon na sa Roma
2. Elmalyn Garcia - single (but taken na), OFW, tubong-Mindoro, 7 taon na sa Roma
3. Maria Esporlas - happily married, OFW, tubong-Batangas, 21 taon na sa Roma
ANO ANG ISANG MATERYAL NA BAGAY NA MAHIHIRAPAN KA KUNG WALA IYON?
Kristine: "Cellphone"
Elmalyn: "Wala akong maisip, eh."
Maria: "Relo"
__________________________________
ANO NAMAN ANG GINI-GIVE UP MO NGAYONG KWARESMA (kung mayroon)?
Kristine: "Hindi ako kumakain ng karne for lent."
Elmalyn: "Parehas din ng kay Tin-tin, di ako kumakain ng karne."
Maria: "Pinipilit kong hindi magsalita ng di maganda sa aking anak na lagi kong napapagalitan. Kaya lang bilang ina minsan ay hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na hindi sya mapagsabihan."
Fr. Emman: "Sina Tin-tin at Malyn ay nag-aabstain from meat while si Ate Maria naman ay nakatuon sa pagtitimpi ng sarili."
Fr. Louie: "Sa Europa, napapansin ko talaga na hirap ang mga taong i-give up ang karne. Mayroon din hirap i-give up ang pag-inom ng wine.
__________________________________
ANU-ANO NAMAN ANG MGA KASABIHAN NG MATANDA ESPECIALLY 'PAG SEMANA SANTA NA KINAGISNAN NINYO?
Kristine: <humigop ng coke> "Bawal ang maglaro at magsaya sa beach lalo na't Biyernes Santo."
Elmalyn: "Bawal daw masugatan kasi hindi gagaling dahil patay ang Diyos.."
Maria: "Kung maliligo daw ng Biyernes Santo, dapat before 9:00AM kasi daw ay bawal na sa hapon lalo na after 3:00 PM."
Fr. Louie: "Fr.Emman, ano nga kaya ang dahilan sa likod ng mga pamahiing ito? Syempre, we abstain sa pagsasaya kaya that explains ang bawal maglaro at magsaya. At siguro, kaya hindi tayo pinapayagang maligo ay dahil alam mo naman, ang mga pinoy mahilig maligo so isa talagang penance kung di tayo maliligo. Pero how can you explain 'yung hindi gagaling 'yung sugat?"
Fr. Emman: "Marahil, way ito ng mga matatanda upang mag-behave ang mga bata at 'wag maglaro kasi 'pag malilikot ang mga bata dun sila nasusugatan.Kaya parang panakot sa lamang sa kanila na 'wag magsaya nang labis o mag-behave."
|
PAANO NINYO INO-OBSERVE ANG MAHAL NA ARAW NOONG NASA PILIPINAS PA KAYO AT NGAYONG NASA ROMA NA KAYO?
Kristine: "Sa bahay lang. Nagdarasal."
Elmalyn: "Sa bahay lang din at nagsisimba."
Maria: "Ganun din ako pero dito sa Roma, kapag Biyernes Santo may trabaho kami at hindi holiday."
Fr. Louie: "Ah ganun ba? Kasi sa Pilipinas, Huwebes Santo pa lang wala nang pasok. Siguro maganda ito na malaman ng mga kapatid natin sa Middle East na hindi sila nag-iisa sapagkat ang mga OFW's sa Roma ay may pasok din ng Mahal na Araw. Kelan ang holiday ninyo?
Maria: "Lunes matapos ang Linggo ng Pagkabuhay...'Yun ang holiday dito."
__________________________________
BILANG PANGWAKAS, KAPAG SINABING 'KWARESMA', ANO ANG ISANG SALITA NA PAPASOK AGAD SA ISIPAN NINYO?
Kristine: "Pagpapakasakit."
Elmalyn: "Pag-aayuno."
Maria: "Sakripisyo."
__________________________________
PANGWAKAS:
Fr.Louie: "Ang panahon ng kwaresma ay hindi panahon upang maging malungkot kundi panahon ng matinding pananalangin at paghahanda ng sarili sa pagsalubong natin sa dakilang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Maraming salamat, mga kapatid, Kristine, Elmalyn, Maria at sa iyo Fr. Emman."
Dito sa Bologna,Italy natutunan ko ang maraming sakripisyo.Ang gusto mong mag reklamo pero di ka maka pag salita dahil di ka pa "PARLA BENE",ang gusto mong kumain ng marami pero di pwede dahil budgetted ng anak ng amo mo ang grocery,pati pag ligo bilisan kse tataas ang bayad sa tubig..ilan lang sa pang "KWARESMA" na sa akin nuon ko pa mag mula ng dumating ako dito nakasanayan ko na dahil sa mga MAHAL KO SA BUHAY.Siguro Father Louie,materyal na mga bagay lang yon at sa pahinga natatapos din.Ang pinaka Kwaresma sa akin ay ang di ko maka piling ang mga anak ko sa bawat araw pero yung TIIS na yon ang naglalapit sa akin kay Lord.Matagal pa ang road ko para tuluyan ko bilang TAO mapuntahan ang tamang Kwaresma...yung bang iba talga...na di sa bibig lang galing.Sana malapit na ren yon at wala akong tigil na magdadasal para duon at malaking parte ng road na yon ang Apostles Filipino Catholic Community..Salamat taos sa PUSO ko...
ReplyDelete