Saturday, January 22, 2011

Totoo bang nagkaroon ng babaeng Papa?




SINO BA SI POPE JOAN?

Ayon sa alamat, si Pope Joan ay isang babaeng di-umano’y naging santo Papa na namahala sa Simbahang Katoliko sa loob ng kulang-kulang na 2 taon noong 850’s C.E. sa ilalim ng pangalang Pope John VIII. Napakahusay daw niya sa Teolohiya. Nagkunwari syang lalaki dahil lalaki lamang ang maaring maging papa. Subalit nadiskubre na sya’y babae nang sya’y manganak sa gitna ng isang prusisyon mula Saint Peter's Basilica patungo sa Laterano. Di-umanoy pinaslang sya ng mga tao dahil sa paglilinlang o sa ibang version naman ay namatay sa panganganak. Inilibing daw sya sa lugar kung saan din sya namatay.



TOTOO PO BA ITONG NANGYARI?

HINDI PO ITO TOTOO. Itinuturing ito ng mga modern historians bilang kathang-isip lamang.

A. OXFORD DICTIONARY OF POPES
Ayon sa “Oxford Dictionary of Popes” , there is "no contemporary evidence for a female Pope at any of the dates suggested for her reign," na ang ibig sabihin ay "the known facts of the respective periods make it impossible to fit [a female Pope] in," Bagamat ito ay pinagdedebatihan pa rin dahil ang Liber Pontificalisna syang source ng argumentong ito at syang listahan ng mga naging Papa ay may inaccuracy sa date.

B. CATHOLIC ENCYCLOPEDIA and PALEOGRAFIA LATINA
Ayon sa Catholic Encyclopedia, wala itong basehan sa kasaysayan:
"Between Leo IV and Benedict III, where [a certain] Martinus Polonus places [Joan], she cannot be inserted, because Leo IV died 17 July 855, and immediately after his death Benedict III was elected by the clergy and people of Rome; but owing to the setting up of an Antipope, in the person of the deposed Cardinal Anastasius, he was not consecrated until 29 September. Coins exist which bear both the image of Benedict III and of Emperor Lothair I, who died 28 September 855; therefore Benedict must have been recognized as Pope before the last-mentioned date. On 7 October 855, Benedict III issued a charter for the Abbey of Corvey. Hincmar, Archbishop of Reims, informed Nicholas I that a messenger whom he had sent to Leo IV learned on his way of the death of this Pope, and therefore handed his petition to Benedict III, who decided." it (Source: Hincmar, ep. xl in P.L., CXXXVI, 85).

Pinapatunayan lamang nito na walang maaring makasingit na termino na isa pang Papa sa pagitan ng mga termino nina Leo IV at Benedict III. At walang interregnum (nabakanteng termino sa pagitan ng dalawang termino) sa pagitan ng dalawang Popes, kaya walang lugar ang isang di-umano’y babaeng Papa.

C. FLORIMOND de RAEMOND
Noong 1587, si Florimond de Raemondang nag-publish ng kauna-unahang attempt para pasinungalingan ang alamat. Gumamit sya ng humanist techniques of textual criticism na sinamahan pa ng mahusay na historical principles at binuwag ang bawat detalye ng kwento.

D. POPE CLEMENT VIII
Noong 1601, Si Pope Clement VIII ang nag-declare formally na ang alamat ng babaeng Papa ay hindi totoo.

E. DAVID BLONDEL
Epektibong winasak ang usapan tungkol kay Pope Joan ni David Blondel, isang mid-17th Century Protestant historian, na nag-suggest na ang kwento ni Joan ay maaring nagmula sa mga paninira laban kay Pope John XI, na namatay sa edad na mahigit 20 lamang. Sa kanyang detailed analysis sinabi nya na imposibleng mangyari ang isang Pope Joan.



KUNG HINDI PO ITO TOTOO, BAKIT MAY MGA WORKS OF ART KUNG SAAN MAKIKITA ANG BABAENG PAPA?
Sa loob ng ilang daang taon, inakala na ang pangyayari ay totoo, maging ng mga katoliko. Kaya’t may mga paintings at sculpture na nilikha na ipinapakitang mayroon ngang babaeng Papa subalit ipinatanggal ito kinalaunan at ang alamat tungkol sa kanya ay sinupil.


PAANO PO KUMALAT ANG KWENTONG ITO?
Ang kwento ay unang lumabas sa mga isinulat ng mga 13th-century chroniclers. Nagsimula ito sa mga kathang-isip na kwentong bayan at sa mga taong hindi gusto ang panunungkulan ng Papa.
Una itong naitala sa “Chronicle of Jean de Mailly”, pero ang pinakatanyag na version was ay isinulat ni Martin of Troppau, ang Chronicon Pontificum et Imperatorum .



PAANO NAMAN MAIPALIWANAG ANG SEDES STERCORARIA?


- Ang sedes stercoraria (upuang pandumi/pang-ebak) ay ang mga trono na may butas na sinasabingng upuan daw ng Papa upang salatin kung lalaki ito buhat nang nagkaroon ng isyu tungkol kay Joan.

- Ginamit ito ni Pope Pascal II ng 1099.

- Makikita ito sa Vatican Museums at sa Musée du Louvre.

- Bakit ba may butas? Pinagtatalunan pa kung bakit may BUTAS. Sabi ng iba ito daw ay bidet (ginagamit sa hygiene ng private parts) o sa panganganak. Pero ang mahalaga ay MAYROON NANG GANITONG UPUAN BAGO PA DI-UMANO’Y NAILUKLOK SI POPE JOAN. It antedates Pope Joan. Ibig sabihin, hindi ito ginawa dahil sa isyu ni Pope Joan.

- E bakit po ginagamit ng mga Papa? Dahil sa ito’y antigo at may connection sa mga emperors kaya’t ginagamit sa mga ceremonies ng Papa upang i-highlight ang imperial claims ng Papa.



TOTOO BANG PINAWASAK ANG ISANG IMAHEN NI POPE JOAN?

- Mula sa isang 16th century documentation, merong evidence ng bust ni Johannes VIII, femina ex Anglia, sa line ng mga papal busts sa Siena Cathedral.
- Ipinatanggal ito o pinapalitan ni Pope Clement XIII.



ANO ANG "VIA VICUS PAPISSA"?

- May isang daan sa pagitan ng Colosseo at Simbahan ng San Clemente na di-umano'y lugar kung saan namatay at inilibing si Pope Joan na dati'y tinawag na"Via Vicus Papissa" or "Lady Pope street".

- Mayroong statue at shrine dati sa street na ito ng isang mother and child, representing the Popess and her infant.

- Sabi sa alamat may stone slab daw to mark the spot where Joan gave birth and was buried. Pero, si Pope Pius V ang nagpatanggal nito noong late 16th century.

No comments:

Post a Comment