Saturday, January 22, 2011

MAGTANONG KAY FATHER: Bakit po ba tinawag sa Litanya si Maria bilang “Tore ni David”?

MAGTANONG KAY FATHER: Bakit po ba tinawag sa

Litanya si Maria bilang “Tore ni David”? Maari nating

sabihin sa panalangin: “Maria, ipanalangin mo kami.”

subalit mahirap minsang isipin na pati isang “tore” ay

humingi tayo ng panalangin.

Ang traditional na litanya natin sa Mahal na Birhen ay ang “Litany of Loreto”. Hindi alam ang pinagmulan nito bagamat alam natin ay i-approve ito noong 1587. Nakapaloob dito ang mga titulo at katangian ng Mahal ng Birhen. Isa rito ay ang kanyang titulo bilang “Tore ni David”

PINAKAMATAAS

Ang tore na ipinagawa ni Haring David sa walls of Jerusalem ang pinakamataas sa lahat ng buildings at structures noon sa Jerusalem. Mula doon, tanaw mo ang buong lungsod pati ang kilos ng mga kaaway ay ma-oobserve.

Tulad ng Tore ni David na pinakamataas sa lahat, ang Mahal na Birhen, the daughter of David (galing siya sa lipi ni David), excels all angels and men in sanctity and dignity. Siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang; Siya nga ang naging “Ina ng Diyos’. May tatataas pa ba sa karangalang ibinigay na ‘yon sa isang tao? Bagamat s’ya ay mataas, s’ya ay mapagpakumbaba.

PINAKAMATIBAY

Ang tore ni David ang pinakamatibay, isang matinding depensa laban sa mga kaaway.

Gayun din naman, si Maria ang matibay na sandigan laban sa mga kaaway. Siya ang dumurog sa ulo ng ahas (Gen. 3,15). At dahil sa biyaya ng Diyos, siya ay na preserve from original sin.

CANTICLE OF CANTICLES

Si Maria ay inilalarawan sa “Awit ng mga awit”: "Thy neck, is as the Tower of David, which is built with bulwarks; a thousand bucklers hang upon it, all the armor of valiant men" (Canticles 4:4)

SAINT BERNARDINE OF SIENA

St. Bernardine denotes the height of perfection of Mary: "As Zion was a very elevated spot, so was the Blessed Virgin most exalted".

SAINT GREGORY

Sabi ni San Gregorio, “Ang Mahal na Ina ay mas banal pa sa unang sandali ng kanyang buhay kaysa sa kahit sinong santo at santa pa sa sandali ng kanilang kamatayan.

ICONOGRAPHY [SEE photo below]

The main characteristic is a sturdy tower surrounded by fortifications, hung with many shields and build on rocky foundations.

The medallion superimposed on the tower shows the half-image of Mary in the posture of the young and meek Orante (a figure in a prayerful posture). The medallion is decorated with the tools and symbols of war: sword, banner, helmet, shield, trumpet. . .even what looks like the head of Holofernes (Sa Lumang Tipan, pinugutan ni Judith ng ulo si Holofernes dahil sa bantang pagsakop sa Bethulia. Sa aking palagay inilagay dito ang simbolong ito to signify the defeat of the enemies ).

The fortifications of the tower are a symbol of Mary's virtues, the many shields (1,000 shields) are virtues or signs of heavenly protection against the devil.

CONCLUSION

Si Hesus ay galing sa lipi ni David dahil sa Kanyang mga magulang (Si Maria at si Jose na Kanyang foster father). Nangangahulugan na kung galing Siya sa lipi ni David at may karapatan Siya sa Jewish throne. Ang Kaharian ni David ang pinagmulan ng pinaghaharian ng Panginoong Hesus.

Kapag tayo’y nagdarasal, hindi na tayo nagdarasal sa sa isang tore sa Jerusalem kundi kay Maria mismo. Ito ang kanyang titulo na hindi lamang basta ibinigay ng tao sapagkat naka-ugat ito sa karangalang ibinigay ng Diyos sa kanya. She is the Immaculate Mother of God.

No comments:

Post a Comment