Saturday, January 22, 2011

DEAR FATHER: On the Sacrament of Matrimony


Mga liham at pagsungguni sa isang pari.Maaring gawing anonymous ang pangalan ng dumulog sa pari at humihingi ng advice.Ang bawat kasapi ay maari ding magbigay ng payo.
DEAR FATHER,

Sa ating mga kaparian gusto ko sanang magtanong,pwede ba akong magpakasal sa Simbahan ng Simple lamang? Hindi yung traditional na maluluhong kasal pero wag naman sa likod ng Simbahan. Ano ba ang mga requirements? Kami po ay naikasal na sa civil. Thanks.

Gabs Aliño

_____________________________________________________

Gabs,

Nakakatuwa na pinaghahandaan na ninyo ang pagpapakasal sa Simbahan. Mayroong biyaya (santifying grace) ang magsumpaan ng pag-ibig sa harap ng Diyos at sa harap ng mga tao.

Sa loob ng Simbahan (o kapilya) isinasagawa ang kasalan kaya't nakasisigurado akong hindi magaganap ito sa likod o labas ng Simbahan. Hindi maaring ganapin ito kung saan-saan lamang ng walang pahintulot ng Obispo (cf. Can. 1115).

Alam mo, nagtataka nga ako sa iba na ayaw magpakasal dahil walang panghanda. Naiintindihan ko na gusto nila itong maging memorable day subalit mas mahalaga rin ang mga susunod na mga araw (at taon) sa buhay may-asawa.

Hindi kailangan ng magarbong wedding garments. Isang simpleng formal na damit, ayos na. Hindi kailangan ng may gayak pa ang altar; siguro isang maliit na bouquet para sa bride (optional pa). Limitahan ang ninong at ninang. Imbitahin lamang ang mga magulang, kamag-anak at malalapit sa puso. Di na nga kailanagn pa ng ring, coin at bible bearers; provide nyo lang ang ring, coins, cord at veil (di kailangan mahal ang mga ito). Depende ang lahat ng ito sa parish priest. Tapatin ninyo ang parish priest at tyak na papayag 'yun. Sa isang pangkaraniwang araw, maari kayong ikasal. After ng kasalan, pwedeng kumain kahit sa Jolibee.

Sa pagbasbas na ito, bibigyan kayo ng biyaya na magpatuloy sa inyong buhay-pamilya. Narito ang mga steps at requirements.

REQUIREMENTS:

Sa Diocese of Cubao, nasa ibaba ang mga requirements. Mahalagang malaman mo ang requirements ng parish kung saan ka ikakasal sapagkat hindi natin alam kung may additional requirements pa sila o baka naman hindi na kailangan ang ibang nakasulat sa ibaba.

1. Baptismal Certificates - For Marriage Purpose (six months Validity)

2. Confirmation Certificates - For Marriage Purpose (six months Validity)

3. Birth Certificates (1 year validity)

4. Marriage License - 3 months validity

5. Certification of Singleness - (CENOMAR) (one year validity)

6. 2x2 ID Picture

The preparation must span at least 4 months before the Wedding Day according to the Diocese of Cubao:

STEPS (only for the Diocese of Cubao):

1. 4 months preparation

2. Canonical Interview

3. Ecclesiastical Banns

4. Requirements

5. Pre-Cana Seminar

Nawa'y nakatulong ito. Salamat.

Fr. Louie, OP

1 comment:

  1. Get close to your perfect Buddhist match by registering on Buddhist matrimony,Matchfinder.

    ReplyDelete