Ticker

8/recent/ticker-posts

Ano po ba ang ibig sabihin ng Cycle A, B at C? Year I at I?

Ano po ba ang ibig sabihin ng Cycle A, B at C? Year I at II?
Nagsisimula ang bagong liturgical year ng Simbahan sa unang linggo ng Adbyento. Ano po ba ang ibig sabihin ng Cycle A, B at C? Ano po ba ang ibig sabihin ng Year I at II?

Mayroon pong pagkakaayos ang mga Pagbasa sa ating Banal na Misa. Hahatiin sa dalawang grupo ang mga pagbasa:
1. Cycle A,B at C – arrangement para sa Sunday at Festive Days (ie Immaculate Conception, Sts. Peter and Paul, etc.)
2. Year I at II – arrangement para sa Weekdays (Mon-Sat at mga araw na hindi festive days)


Note: This is just a basic and simplified introduction. One may research further.
_______________________________________________________

A. The Arrangement of the Readings for Sundays and Festive Days

- Kapag Sunday at Festive days, may 3 pagbasa:
a. Unang pagbasa – galing sa Old Testament
b. Ikalawang pagbasa – galing sa isang Apostle (pwedeng isang sulat ng isang apostol, o sa Book of Revelation, o depende kung Advent, Christmas, Lent o Easter)
c. Ikatlong pagbasa – galing sa Gospels

Note: Ang mga pagbasang ito ay makaka-connect na nagpapakita ng unity ng Old at New Testaments at ng kasaysayan ng ating kaligtasan na kung saan si Kristo ang focus.

3. May dalawang principles na ginagamit sa pagpili ng texts.:
a. Principle of Harmony – pagpili ng mga texts na naaayon sa panahon. (ex. kung Advent Season, e di ‘yung may kinalaman sa paghihintay sa Mesiyas; Kung Lenten Season, e di ‘yung may kinalaman sa pagpapasakit ng Panginoon)

b. Principle of Semi-continuous Reading – pagpili ng text na “halos” magkakasunod since wala namang distinctive character ang ordinary days. Usually sa Sundays of Ordinary days ito ginagamit (ex. Kung Chapter 1 ni Matthew this Sunday, e di Chapter 2 naman next Sunday). Maaaring lumagtaw, kasi nga semi-continuous.

4. Cycle A, B at C (ng 3 Sunday and Festive Day Readings)
- Upang magkaroon ng mas mayaman at iba’t-ibang pagbasa ng Banal na Kasulatan, ang 3 mga pagbasa sa Sunday at festive days ay mayroong three-year cycle (Cycle A,B at C). At dahil may cycle, mapapakinggan natin muli ang isang pagbasa sa Sunday (or festive day) matapos pa ang 3 taon!

- Nagsisimula ang isang year cycle sa First Sunday of Advent tuluy-tuloy hanggang sa susunod na civil calendar year.
- Ang Advent ng 2010 hanggang November ng 2011 ay Cycle A
- Ang Advent ng 2011 hanggang November ng 2012 ay Cycle B
- Ang Advent ng 2012 hanggang November ng 2013 ay Cycle C
- Tapos, uulit muli sa Year A.
- TRIVIA: Ginawa ito sa paraang ‘pag kinwenta mo, ang year 1AD ay Cycle A; 2AD ay Cycle B; at 3AD ay Cycle C; and so on and so forth.

- Ang Cycle A ay tinatawag na Year of Matthew.
- Ang Cycle B ay tinatawag na Year of Mark.
- Ang Cycle C ay tinatawag na Year of Luke.


- Bakit? Kasi ang ordinary Sundays ay predomininated ng respective Gospesl na ito. (Kung Cycle A, majority ng Gospel Reading ay galing sa Gospel of Matthew; and so on)

- Q: Teka...ba’t walang Year of John?
- A: Ang Gospel according to Matthew, Mark and Luke ay tinatawag na “Synoptic Gospels” na ang ibig sabihin ay naglalahad sila ng parehong istorya, kadalasan pareho pa ng sequence o pagkakasunud-sunod ng pangyayari, minsan parehong-pareho pa ng pananalita.
- The term “synoptic” comes from the Greek syn, meaning "together", and optic, meaning "seen".
- Tingnan natin ang diagram sa baba:


Ang kulay violet ay ang mga istoryang parehong makikita sa tatlo (Triple tradition)
Ang kulay blue ay ang mga istorya na makikita lamang kina Mt at Lk (at wala nito si Mk)
Ang kulay green, si Mt lang meron nun.
Ang kulay blue green, si Lk lang meron nun.
Ang kulay gray, kay Lk at Mk lang (at wala kay Mt)
Ang kulay red, kay Mk at Mt lang (at wala kay Lk)
Ang kulay brown, si Mk lang meron nun.


Kaya, ang synoptics ay may madaming magkakaparehong storya. Si John naman ay ibang-iba ang istorya sa tatlong ito. Wala syang sariling year kasi scattered sya sa mga Seasons (ie Lent, Advent, etc) at mga festive days. So, ang Synoptic Gospels (Mt, Mk at Lk) may kanya-kanyang year while si John, scattered sa buong cycle!

_______________________________________________________


B. The Arrangement of the Readings for Weekdays
- Ang mga Pagbasa naman sa weekdays (ordinary Mon to Sat) ay inayos sa paraang may 2 pagbasa:
a. Unang Pagbasa: galing sa Old Testament o kaya mula sa isang Apostle (Letter or from the Book of Revelation), at kung panahon ng Easter galing sa Acts of the Apostles.
b. Ikalawang Pagbasa: galing sa Gospel.

- Ang mga pagbasa sa weekdays ng Lent, Advent, Christmas, at Easter ay same taun-taon. Pero yung Sunday readings nito (as mentioned above) may 3 year cycle.

- Mayroong 34 weeks ang Ordinary Time.

- Ang Gospel Reading ng weekdays ay inuulit taun-taon.

- Ang First Reading naman ay may two-year cycle (kaya mauulit ito every other year).

- Year I is used during odd-numbered years; Year II, during even-numbered years. (Since 2011 is odd number, it is Year I)
- Gumagamit din ng principles of harmony and of semicontinuous reading ang weekday readings.


_______________________________________________________


CONCLUSION: So, ang 2011 (kasama yung part ng December 2010) ay Cycle A (para sa Sunday at Festive days) at Year I (para sa Weekdays).



Sources:
The Sunday Letionary: Ritual word, Paschal Shape by Fr. Norman Bonneau
General Instructions on the Lectionary
Personal Notes

Post a Comment

0 Comments