Ang Rosario ay isang debosyon sa Mahal na Birhen. Ito ay isang Korona o tuhogna bulaklak na iniaalay sa Mahal na Birhen ng mga nagdadasal ng Santo Rosaryo. Ito ay binubuo ng labing-limang bahagi. Ang isang bahagi ay nabubuo ng isang Ama Namin at sampung Aba Ginoong Maria, na sinusundan ng Luwalhati sa Ama. Ang bawa't isang bahagi ay dinadasal bilang pagpupuri sa isang hilama ng buhay na pinagdaanan ng ating Mahal na Panginoon at ng Kanyang Mahal na Ina. Habang ginagawa ang isang sampuan, ay alalahanin ang himala na ipinatutungkol at idalangin na magawa ang mga lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng Iyong habag.
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espuritu Santo. Amen.
Isa: Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Isa: Buksan mo Panginoon ko, ang aking mga labi.
Lahat: At purihin ka, ng aking dila.
Isa: Pagsakitan mo, Diyos ko, ang pagaampon at saklolo mo sa amin.
Lahat: At iadya mo kami sa mga kaaway.
Isa: Luwalhati sa Ama, at sa AnaK at sa Espiritu Santo.
Lahat: Kapara noong una, gayon din ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan.
Lahat: SUMASAMPALATAYA ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat/ na may gawa ng langit at lupa/ Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo/ iisang Anak ng Diyos Espiritu Santo/ ipnanganak ni Santa Maria Birhen/ Pinagpakasakit ni Ponsiyo Pilato/ ipinako sa krus, namatay at ibinaon./ Nanaog sa mga impiyerno/ nang may ikatlong araw nabuhay na maguli./ Umakyat sa langit/ naluluklok sa kanan ng Diyos amang makapangyayari sa lahat./ Doon magmumulang paririto't huhukom/ sa nangabubuhay at nangamatay na tao./ Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo/ na may Santa Iglesya Katolika/ may kasamahan ng mga santo/ may ikawawala ng mga kasalanan/ Mabubuhay na maguli ang nangamatay na tao/ at may buhay na walang hanggan./ Siya Nawa.
Isa: AMA NAMIN, sumasa-langit ka, sambahin ang Ngalan Mo, mapasa amin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para ng sa langit.
Lahat: Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw/ at patawarin Mo kami sa aming mga sala/ para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin/ at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Isa: ABA GINOONG MARIA napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo./ Bukod kangpinagpala sa babaeng lahat/ at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Lahat: Santa Maria, Ina ng Diyos,/ ipanalangin Mo kaming
mga makasalanan/ ngayon at kami'y mamamatay. Amen.
Isa: ABA GINOONG MARIA...
Lahat: Santa Maria, Ina ng Diyos...
Isa: ABA GINOONG MARIA...
Lahat: Santa Maria, Ina ng Diyos...
Isa: LUWALHATI SA AMA, at sa Anak, sa Espiritu Santo.
Lahat: Kapara ng sa una, gayon din ngayon, at magpakailan man, at magpasawalang hanggan. Amen.
Isa: Ang mga misteryong pagninilaynilayin, ay mga misteryo sa...
(Babanggitin ang misteryo na nauukol sa araw at saka isusunod ang 1 Ama Namin at 10 Aba Ginoong Maria, at 1 Luwalhati.)
MISTERYO NG TUWA
MISTERYO NG HAPIS
MISTERYO NG LUWALHATI
MISTERYO NG LIWANAG
0 Comments
God bless you!