Sunday, August 25, 2013

Makipot na Pinto

Luke 13:22-30 
Through towns and villages Jesus went teaching, making his way to Jerusalem. Someone said to him, ‘Sir, will there be only a few saved?’ He said to them, ‘Try your best to enter by the narrow door, because, I tell you, many will try to enter and will not succeed.

  ‘Once the master of the house has got up and locked the door, you may find yourself knocking on the door, saying, “Lord, open to us” but he will answer, “I do not know where you come from.” Then you will find yourself saying, “We once ate and drank in your company; you taught in our streets” but he will reply, “I do not know where you come from. Away from me, all you wicked men!”

  ‘Then there will be weeping and grinding of teeth, when you see Abraham and Isaac and Jacob and all the prophets in the kingdom of God, and yourselves turned outside. And men from east and west, from north and south, will come to take their places at the feast in the kingdom of God.

  ‘Yes, there are those now last who will be first, and those now first who will be last.’


Mahirap pumunta sa isang lugar na hindi ka tanggap. Minsan ay pinakiusapan ang isang kura na magbendisyon sa patay sa isang liblib na baryo sa kabilang parokya dahil walang pari duon. Pumunta ang maliit na kura at hinanap niya ang bahay na may telang itim, dahil 'yun lamang ang sinabing tanda ng kanyang sekretarya. Nakita naman niya ito at nang siya ay naruon na sa tapat ng bahay, binati niya ang mga taong naka-umpok. Nanatiling nakatitig lang ang mga tao, at kung makamamatay ang titig, baka namatay na ang kura. Muli siyang nagpakilala, “Magandang umago po, ako po ang pari sa kabilang parokya. Puwede na po tayong magsimula.” Katahimikan muli, at umabante ang isang ginang na nanlilisik ata ang mata. “Hindi ka naming kailangan dito. Umalis ka na. Hindi naming kailangan ng pari!

Ating mababasa sa Ebanghelyo na tinanong si Hesus kung kakaunti lang ba ang masasalba, at hindi diretsong sinagot ni Hesus ito. Ang sinabi niya ay pagsikapan ang makapasok sa makipot na daanan/pintuan, dahil marami ang magnanais makapasok ngunit hindi magagawa. Hindi niya sinabing kakaunti, dahil sa bandang huli, sinabi rin naman na marami ang manggagaling sa silangan, kanluran, hilaga at timog, at sila’y makakapiling ng Diyos sa kanyang kaharian. Mayroong mga ipinagtabuyan dahil sarado na ang pintuan, at hindi sila kilala ng Panginoon, at maaring ang eksena ay katulad ng nangyari sa kura sa kuwento. Mahirap kung hindi ka tanggap.

Isa itong hamon sa atin sa Linggong ito. Malinaw na sinabing magsumikap tayo na makapasok sa maliit na pintuan. Paano ka nga ba papasok sa makipot na pinto? Kailangang wala kang ‘dala’, iiwanan mo ang iyong mga ‘bitbit’, at kung ‘mataba’ ka ay kailangan ‘magpapayat’ ka. Si Hesus ang ‘Pinto’ patungo sa kaharian, at ipinakita ni Hesus na sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, nabuksan ang daan patungo sa langit. Kung nais nating makarating sa kaharian ng Panginoon, kailangan din sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus sa daan ng ‘krus’. 

Nasusubukan tayo madalas: Kapag malakas ang ulan o baha, nakakatamad magsimba. Minsan ay nasasabi pa natin, ‘Isimba mo ako ha!’ O kaya ay, ‘Sige, kayo na lang ang magsimba, at i-pag-pray niyo na lang ako. Maiintindihan naman ni Lord eh.” Oo, maiintindihan ni Lord, pero inintindi ba natin Siya? Oo, mabait sa atin si Lord, pero naging mabait ba tayo sa Kanya? Nawa ay patuloy tayong magsikap na makapasok sa makipot na pintuan, at idalangin natin na patuloy tayong bigyan ng Panginoon ng lakas upang malabanan natin ang lahat ng uri ng kasamaan. Iwanan natin ang mga nakabibigat at mga nakakahadlang sa ating pagpasok. Patuloy tayong manalig sa Diyos, lalo na kung tayo ay nahaharap sa mga pagsubok, dahil palagi nating kapiling ang Diyos at sapat na ang grasya na binibigay niya upang magawa natin ito.

Siyanga pala, ang kurang maliit ay umalis na lamang at napag-alaman niya na mali pala ang napuntahan niyang patay. Sa kabilang kalsada, may telang itim din at naruon pala ang pupuntahan niya. Tinanggap naman siya ng maluwag at nabendisyunan niya ito.Tinanong niya ang maybahay, kung sino ang patay sa kabila at bakit hindi siya tanggap ng mga tao duon. Hindi na siya nagtaka ng malaman niyang miyembro pala ng Iglesiya ni Kristo ang nasa kabila... 

Magandang araw po sa inyong lahat.


akda ni Paul Cardenas

No comments:

Post a Comment